'Love, Rose': Liham ng Pag-ibig ni Santa Rosa de Lima
Pagninilay sa Paggunita kay Santa Rosa de Lima, Segunda Patrona ng Pilipinas
Agosto 23, 2016
Ni Mico Pacheco
Agosto 23, 2016
Ni Mico Pacheco
Dibuho ni Kenichi Tigas
PAG-IBIG. Pag-ibig ang nag-udyok sa Ama upang ipadala sa mundo ang kanyang Anak. Para saan? Sa katubusan ng sangkatauhang ilang beses nang sumuway sa kanyang banal na kalooban. Si Kristo ang katuparan ng pag-ibig ng Ama. Sa kanya, tayo’y naligtas. Dahil kanya, ang mga banal na tao’y nagpunyagi sa kanilang buhay dito sa lupa upang ipakita na ang kanilang hangad ay hindi ang kamunduhan kundi si Hesus at si Hesus lamang.
Ginugunita natin ngayon si Santa Rosa de Lima, isang tertiary Dominican. Lingid sa kaalaman ng marami, si Santa Rosa ay itinalaga ni Papa Pio XII bilang segunda patrona ng Pilipinas at ng Americas. Marahil, ating matatanong kung sino nga ba ang ROSE na ito at bakit kaya siya pinili kasunod ng Mahal na Birheng Maria, ang Inmaculada Concepcion, Patrona Principal ng Pilipinas, upang maging pangalawang patronang pinipintuhong patron para sa ating bansa?
Isinilang bilang Isabela de Oliva, si Santa Rosa ay kilala dahil sa kanyang angking kagandahan. Dahil sa kanyang kariktan, siya ay nakumpara sa ganda ng rosas, kaya nakilala sa tawag na ‘rose”, ang pangalang kanyang tinanggap sa kumpil. Marami ang nagtangkang manligaw sa napakagandang si Rose. Siya ay nagkaroon ng maraming manunuyo. Ngunit, hindi ito ang ninanais ni Rose. Mula pa sa kanyang pagkabata, ang hinangad niya lamang ay si Hesus at ialay ang kaniyang buhay sa kanya. Kaniyang tinalikdan ang mga pang-aakit ng kamunduhan at upang tigilan ng mga manliligaw, kanyang pinagaspang ang kanyang mukha’t kamay at ginupit ang kanyang mahabang buhok, bilang sakripisyo ng pagbabayad-puri. Sapagkat siya’y naantig sa buhay ni Santa Catalina de Siena, siya’y sumali sa Orden Tercera o Third Order ng mga Dominikano. Kahit hindi pumasok ng kumbento, nag-alay si Rose ng mga sakripisyo at mahahabang oras ng pananalangin dahil sa pagmamahal kay Kristo.
Ano ngayon ang mapupulot natin sa segunda patrona ng ating bansa na si Santa Rosa? PAG-IBIG. Dahil sa pag-ibig, marami ang kaya nating gawin. Dahil sa pag-ibig, kaya nating ihandog kahit ang ating buong buhay para sa ating minamahal. Minahal ni Santa Rosa ang ating Panginoong Hesukristo ng buong puso na minarapat niyang talikuran ang kanyang kagandahan, ang kanyang mga manunuyo, at ang isang kinabukasan sa piling ng isang pamilya. Mahirap talikuran ang kamunduhan ngunit nagawa ito ni Santa Rosa de Lima. Ang isang buhay na nakatalaga kay Kristo ang kanyang minarapat na piliin kaysa sa udyok ng mundo na naisin ang kumportableng buhay.
Sa ating lipunan ngayon na puno ng mga pang-aakit ng kamunduhan, kaya ba natin piliin si Kristo kaysa sa mga ito?
Ang buhay ni Santa Rosa ay tila isang “love letter”. Isang sulat sa Panginoon na nagsasabing sa kabila ng mga ito, narito akong tumutugon sa tawag mo. Manalangin tayo na sa tulong ng mga panalanagin ni Santa Rosa de Lima, tayong mga kabataan ay matutong mag-alay ng sarili kay Hesus at huwag matakot sa mga maliliit na sakripisyo na maaari nating ialay dahil sa pag-ibig natin sa kanya. Manalangin tayo na ang bansang Pilipinas ay tumulad sa larawan ng kababaang-loob at pag-ibig na ipininta sa atin ni Santa Rosa. Nawa ang buhay natin ay maging tulad ng sa kanya - nagpapakita ng pag-ibig, nagpapahiwag ng pag-ibig, at nagnanais ng hindi nagmamaliw na pag-ibig na mabibigay lamang ng ating Panginoong Hesukristo.