Mahal ka Niya
Pebrero 14, 2017
ni Mac Norhen Bornales
ni Mac Norhen Bornales
Kuha ni Mac Norhen Bornales
Isa sa hindi makakalimutang kataga ng makathang si Francisco Baltazar ay patungkol sa Pag-ibig. Ani ni Balagtas "Pag ang Pag-ibig ay nasok sa puso nino man. Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Nasa kultura na nating mga Pilipino ang pagdiriwang ng araw ng mga puso at sa araw na ito, hindi lamang natin pinahahalagahan ang ating mga minamahal, pinahahalagahan rin natin ang ating mga kapamilya, kamag-anak, at mga kaibigan. Sa araw na ito, atin ring alalahanin ang pag-ibig ng Maykapal.
Ang pag-ibig ay isang makapangyarihang dadamdamin ng isang tao. Hindi siya basta isang atraksyon o kaya nama'y isang pakiramdam na kinabukasan ay mawawala na. Hindi rin siya simple, kalimitan ay hindi natin maintindihan ang pag-ibig. Magulo, nakakalito, minsan pa ay sakit sa ulo ang umibig. Kung minsan naman ay nasosobrahan tayo sa pag-ibig na hindi na tayo nakikinig sa boses ng rason. Sabi nga sa isang kanta ay "Too much love will kill you." Ngunit sa kabila ng lahat ng magulong aspekto nito, bakit tayo umiibig? Bakit tayo tinatawagang umibig?
Tinawag tayong umibig dahil ito ang wika ng Diyos upang madama natin ang kanyang presensiya. Ang Diyos ay mapagmahal kaya naman nanaisin niyang ang kanyang mga nilikha ay nagmamahalan rin. Sa pag-ibig Niya sa atin ang nagmumula ang ating kalayaan, kasiyahan, kaligtasan at mismong ang ating kapasidad upang magmahal. Sa kanyang pagmamahal sa atin, isinugo niya ang Kanyang Anak upang tayo lahat ay maligtas.
Iyon rin ang kanyang bilin niya sa atin. Tinawag niya tayo upang mahalin ang Diyos nang higit sa lahat at mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili.
Mahal ka Niya. Sa tuwing ikaw ay nag-iisa, nalulumbay at nawawalan ng pag-asa, alalahanin mo na nandiyan siya. Alalahanin mo na mahal ka niya hindi dahil gwapo ka o maganda ka o mahinhin ka. Mahal ka Niya hindi lang dahil sa taglay mong pambihira. Mahal ka ng Diyos dahil nilikha ka niya at anak ka niya.
Wag ka nang mangamba. Nandiyan Siya para sa'yo. Ngayong Araw ng mga Puso, ating alalahanin ang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng kanyang nilikha at ating ipanalangin na sana ay mahalin din natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Amen.