Seeing God through the Lens
Isang pagmumuni-muni sa Piyesta ng La Naval de Manila 2016
October 31, 2016
by Patrick Andre Mencias
October 31, 2016
by Patrick Andre Mencias
"Ang inaasahan ko ay makakukuha ako ng mga litrato ng mga taong nagdadasal habang hawak ang kanilag mga rosaryo at kandila. Sa halip, ang kanilang itinaas ay ang kanilang mga telepono na may pagnanais na kuhanan din ng litrato ang imahe." |
NOONG nakaraang Oktubre 9 ay naganap ang aming ika-anim na Linggong pagsasanay sa UST ROTC at kasama rito ang paglilingkod ng mga kadete sa Pista ng La Naval. Sa pangyayaring iyon ay inataasan ako bilang tagakuha ng litrato (photographer) para sa pahayagan ng UST ROTC. Dahil doon, ako ay nagkaroon ng pagkakataong makalapit sa imahe ng Mahal na Ina. Nagalak at napuno ako ng karangalang makita ang imahe nang ganoong kalapit dahil bilang isang studyanteng galing sa probinsiya, iba ang pakiramdam na masilayan ang kagandahan ng Ina ng La Naval na hindi mo nakikita araw-araw.
Hinahangaan ko ang mga disenyo ng imahe na siyang katangi-tangi para sa pagpaparangal ng isang Inang naging daan para sa ating kaligtasan mula sa kamatayan. |
Sinimulan ang prusisiyon at kasabay ng Imahe ng La Naval ang iba pang mga imahe ng mga santo. Karamihan ay may kaugnayan sa Dominikano. Ang iba naman ay may kinalaman kay Maria. Hindi lamang ako inatasang kumuha ng mga litrato ni Ina at ng mga kadete ng ROTC kundi pati ang mga debotong kasama sa prusisyon na nagdadasal at nagbibigay ng karangalan sa Ina.
Isa sa katangi-tangi kong napansin ay karamihan sa mga deboto ay gumagamit ng kanilang mga telepono upang kuhanan ng litrato ang imahe ng La Naval habang dumadaan. Ang inaasahan ko ay makakukuha ako ng mga litrato ng mga taong nagdadasal habang hawak ang kanilag mga rosaryo at kandila. Sa halip, ang kanilang itinaas ay ang kanilang mga telepono na may pagnanais na kuhanan din ng litrato ang imahe.
Ako'y napaisip at napatanong sa sarili na sa pag-usbong ba ng teknolohiya ay naiba na din ang pamamaraan ng paggunita natin sa Mahal na Ina? Sa huli, nasagot ko rin ang aking tanong.
Kung tutuusin, noong pagbisita ng Santo Papa dito sa Pilipinas nakaraang taon, ay hindi na bago sa paningin ang mga taong walang humpay sa pagkuha ng litrato gamit ang kanilang mga telepono sa pagnanais na mapreserba ang pangyayari sa kanilang alaala.

Ngunit napagtanto ko na wala naman akong pinagkaiba sa kanila. Parehas lamang kaming nais masilayan ang Mahal na Ina sa likod ng lente ng camera. Parehas lamang kaming may pagnanais magkaroon ng magandang alaala mula sa Ina. Wala akong pinagkaiba sa kanila sapagkat kung ang pagmamahal din sa Panginoon ang usapan ay marami paraan. Ang pagkuha ng litrato gamit ang iba't ibang anggulo ay halimbawa lamang ito. Wala akong pinagkaiba
"Parehas lamang kaming may pagnanais magkaroon ng magandang alaala |
sa kanila kung ito ang paraan nila upang makalapit sa Panginoon katulad ng pag-ikot ko ng lente upang makuhanan ko ng mas malapit ang Imahe. Wala akong pinagkaiba sa kanila kung ito ang paraan upang makita ang Panginoon katulad ng pagsulyap ko sa lente. Wala din akong pinagkaiba sa kanila kung may pagnanais akong ibahagi sa iba ang aking nakuhang litrato ng Imahe katulad ng pag-upload sa social networking sites upang maipahayag ang pagmamahal ng Mahal na Ina sa lahat.
Ang pagkuha ng litrato ay hindi isang gawain lamang. Sapagkat sa pagkuha mo ng litrato ay may kakahayan kang maglahad ng kwento sa mga taong makakakita nito nang hindi kinakailangang ng mga salita. Napagtanto ko na ang pagkuha ng litrato ay isang paraan din ng pamamahagi ng iyong pagkatao. Ito ay dahil ang pagkuha ng litrato ay sumasalimin sa kung ano ang nais mong iparating sa iba at marahil ito ay dala ng bugso ng damdamin mo.
Dala ng bugso ng damdamin, nakita ko ang Panginoon mula sa lente ng aking kamera. Nasilayan ko ang Kanyang kabutihan sa pamamagitan ng Mahal na Ina.
Viva dela Virgen de La Naval!