Anong gusto mo paglaki mo?
Agosto 17, 2016
Ni Adrian P. Aquino
Ni Adrian P. Aquino
Larawang kuha ni Mac Norhen Bornales
NASA KINDER pa lang ang mga bata ay tinatanong na sila ng kanilang mga guro kung ano ang plano nila kapag sila ay tumanda o lumaki. May mga iba na naglalayong maging isang duktor o kaya naman ay abogado. Maririnig mula sa mga bata ang ilang kapilyuhan. May magsasabi na gusto nilang maging Pangulo ng bansa o kaya naman maging sikat na artista.
Ngunit minsan sa ating pagsusumikap at paglalayong makamit ang ating mga gusto sa mundong ibabaw ay nakakaligataan natin ang ating tungkulin na pangalagaan ang mga likha ng Diyos.
Ayon sa unang mga pahina ng Bibliya, ginawa ng Diyos ang mundo na naaayon sa mga Kanyang kagustuhan. Inilawan Niya at binigyan Niya ng buhay ang ating mundo na pinababalutan lamang noon ng kawalan at sa ikaanim na araw ay isinipol ng Diyos sa tao ang hangin na magbibigay sa atin ng malay, buhay at dangal.
Pinagpala tayong mga tao dahil sa lahat ng ginagawa ng Diyos, tayo lang ang naiiba. Naiiba, dahil tayo ay nabigyan ng tungkulin para pagsilbihan ang iba at maging mga gabay sa kapwang likha ng Diyos.
Ang tungkulin nating pangalagaan ang Kanyang likha ay may kalakip ang regalo ng Diyos para mayroon tayong magamit sa kabutihan. Ito ay ang puso at isipan. Ibinigay ito ng Diyos sa atin kaya tayo nagkaroon ng kalayaan na gawin ang ating mga ninanais at magdesisyon para sa ating mga sarili.
Ginagamit natin ang ating puso at isipan upang mapabuti pa ang pamumuhay ng mga bagay sa ating mundo. Ngunit bakit ganito na ang nangyari sa atin? Marami na ang nasisira at marami narin ang nawawala. Nalugmok na ang ibang likha sa kadiliman na pinayabong ng katauhan. Nasaan na ang ating misyong pangalagaan ang bawat isa? Nagpakain na ang karamihan ng tao sa mga makabagong pamumuhay na hindi na lumliingon sa mga tinuro sa ating mga ninuno.
Wala namang masama na mamuhay tayo sa makabagong panahon ngunit kailangan din nating bigyang pansin ang ating pinagmulan at ang ating tungkulin dahil ito ang makapagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan sa hinaharap.
Ang pinagmulan natin ang magdidikta kung gaano na kalayo ang narating ng mga tao at ito rin lang ang magpapaalala sa atin na magbigay respeto sa mga likha ng Diyos. Hikayatin natin muli ang karamihan na bigyang pansin ang mga araw-araw na nangyayari sa ating mundo tulad ng lumalakas na pag-ulan at tumataas na tubig sa ating karagatan.
Gamitin natin ang ating kamalayan para lumikha tayo ng daluyong ng kaayusan dahil ito naman talaga ang tungkulin natin sa simula nang malanghap natin ang unang hangin.
Sa sarili nagsisimula ang pagbabago upang maibalik ang dating ganda ng kalikasan pero kailangan din nating ikalat at ipaalala sa ating kapwa kung ano ba talaga ang tungkulin ng mga tao sa mundong ito. Darating ang panahon na malilingon na rin natin sa wakas ang kahapon na walang pagsisi habang nilalanghap natin ang sariwang hangin.
Ikaw ba? Ano gusto mo paglaki mo? Sino ka ngayon at sino ka bukas? Ikaw ba ay gagawa ng paraan para magkaroon ng kaayusan o papabayaan nalang na mawala ang lahat nang tuluyan? Mag-ingat ka, baka maiwan ka ng panahon at maging huli na ang lahat.

Si Adrian Aquino ay ang Pangalawang Pangulo para sa Kultural na Pangkat ng Pax Romana AB.
Siya ay kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong Pilosopiya.