“WALANG MALIW NA PAG-IBIG KAY KRISTONG NAGPAPAKASAKIT”
By Mico Pacheco
January 10, 2018
January 10, 2018
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang taunang pag-alala sa traslacion ng imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno mula sa simbahan ng Bagumbayan (Luneta) sa simbahan ng Quiapo halos ilang siglo na ang nakakaraan. Sa napakahabang prusisyong ito, ating binabalikan at makasaysayang pangyaring iyon.
Ang imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno de Quiapo ay isa sa pinakasikat na imahen sa Pilipinas kung saan napakaraming mga deboto mula sa iba't ibang sulok ng bansa ang naaakit nito. Bukod tangi ito sa ibang mga imahen ng Nazareno na matatagpuan sa ibang mga bansa dahil sa kulay nito: itim - na natamo nito dahil sa kahoy nito mula Mexico na talagang nangingitim. Dahil sa dami ng mga taong nagdedebosyon sa kanya, maaalala natin ang Solomon 1:5 na nagsasabing "Ako'y maitim ngunit kahalihalina".
Bakit nga ba tayo naaakit kay Jesus Nazareno? Bakit ganto na lamang katindi ang debosyon sa Senyor?
Tayo bilang mga tao ay nakakaramdam ng mga madaming pasakit sa buhay. Tayo minsan ay nababaon sa mga problema't suliranin kung minsa'y tayo ay nagtatangkang sumuko o takasan na lamang ang dapat natin pagdaanan. Hindi ba't mahirap masaktan? Hindi ba't masakit maiwanan? Hindi ba't nakakapanlumo ang pang-aalipusta ng mga taong may ayaw sa atin?
Marahil, bilang mga taong nakararanas ng ganito, kinakailangan natin ng taong tutularan sa ating pagraos sa ating mga suliranin. Sa imahen ng Jesus Nazareno, nakikita natin ang Diyos na naghihirap tulad ng sa atin. Nakikita natin si Jesus buhat buhata ng Krus, ang krus ng mga suliranin, ng paghihirap, at ng ating mga kasalanan. Sa kanyang pagbubuhat ng Krus, hindi lamang pisikal na sakit ang nararamdaman ni Jesus. Bukod sa pagod na kanyang nararamdaman sa pagpapasan ng Krus, nariyan rin ang emosyonal na pagdaramdam - na ang mga taong sumisigaw ng "Hosanna" noong nakaraan, ay siya ring mga sumigaw rin ng "Ipako sa Krus". Ang mga kanyang alagad na siyang nariyan lagi sa panahon ng kanyang pagtuturo, tila nawala bigla sa panahon ng kanyang pagpapakasakit.
Naramdaman siguro natin ang sakit na pinagdaraanan ng ating Panginoong Jesucristo kaya tayo ay naantig - kung ang Diyos rin ay nagpapakahirap, bakit kaya hindi ko siya samahan? SINASAMAHAN NATIN si Jesus sa kanyang pagpapasan tila sinasabi natin: "PANGINOON, NAKIKIISA KAMI SA IYONG PAGHIHIRAP - SAPAGKAT IKAW AY NAGHIHIRAP PARA SA AMIN. NGUNIT KAMI RIN PO AY MAY KRUS. HINDI PO NAMIN ITO KAYA. SAMAHAN RIN PO NINYO KAMI." - Pagsama kay Jesus upang hilingin na siya rin ay sumama sa atin sa ating araw-araw na pagpapasan ng krus. Madami na ngang sinamahan si Jesus sa mga nagdedebosyon sa Jesus Nazareno de Quiapo. Madami na ang napagaling at madami na ang dininig na panalangin dahil dito. Hindi ba't sulit ang pakikiisa sa paghihirap ni Jesus? Sa ating pagpapakita ng pagmamahal sa kanyana kulang na kulang, higit pa doon ang kanyang ibinibigay.
Ngunit sa pagdedebosyon sa Poong Nazareno, hindi kinakailangan na halos ibuwis na natin ang ating mga buhay upang makalapit at makapasan. Hindi ba't mainam rin na tayo ay magkaroon rin ng mas malalalim na debosyon sa Santisimo Sakramento - kung saan si Kristo mismo ay naroon. Sapamamagitan sa pakikiisa sa Banal na Misa, hindi ba natin naibibigay ang pag-ibig kay Kristo?
Isa pa, si Jesus ay nakikita natin sa imaheng ito bilang bahagi ng mga aba. Hindi ba't maipapakita natin ang pag-ibig kay Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga aba at sa pagtulong sa mga mahihirap? Sapamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan nila, hindi ba't mas mapapalapit tayo kay Kristong nagpapakasakit?
Maganda ang debosyon sa Nazareno ng Quiapo kung saan nagkakaroon ng isang "radical expression of love". Ngunit, hindi kailangan umabot sa punto na may mga taong masasaktan o may mawawalan pa ng buhay. Ipakita natin ang pagmamahal kay Kristo sapamamagitan ng pagmamahal sa Eukaristiya - kung saan inaala ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoon. Ipakita rin natin ang pagmamahal kay Kristo sa pamamagitan ng pagmamahal sa mga aba at mahihirap. Sa ating pagtulong sa paglunas sa kanilang kahirapan, mas nagiginhawaang ang Kristong naghihirap.
Pagmamahal sa Eukaristiya at pagmamahal sa mga naghihikahos at nahihirapan - iyan ang dapat tupdin ng mga tunay na deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.
VIVA!