Ang Awit ng Galak dahil sa Panalanging dininig
Disyembre 23, 2016
ni Mico Pacheco
ni Mico Pacheco
Dibuho nina Mac Norhen Bornales at Dominic Dimapawi
Noong isang araw, narinig natin ang awit ng galak ng Mahal na Birheng Maria na tinatawag na "Magnificat". Napagnilayan natin na ang isang awitin ay isang paraan ng paglalabas ng damdamin. Naging paraan ito ng Mahal na Ina na ihayag ang kanyang kagalakan at pagkilala sa ginawa ng Diyos sa kanya. Ang Magnificat ay inaawit tuwing Vespers o ang Panalangin ng mga Kristiyano tuwing Gabi (Evening Prayer ng Divine Office).
Ngayong huling araw ng Misa de Gallo, tayo uli ay magninilay sa isa pang awitin at ito naman ay kay Zacarias, ang ama ni Juan Bautista. Ang kanyang awit naman ay tinatawag na "Benedictus". Ang kantang ito naman ay inaawit sa Lauds o Panalangin ng mag Kristiyano tuwing Umaga (Morning Prayer ng Divine Office). Tulad ng ginawa natin sa ating pagninilay sa Magnificat, ating balikan ang konteksto upang ating mas maunawaan ang Benedictus. Maaalala natin na pagkatapos magpakita ng anghel kay Zacarias, siya ay napipi sapagkat napagdudahan niya ang plano ng Diyos.
Sa siyam na buwan na pagbubuntis ni Elisabet kay Juan Bautista, hindi nakapagsalita si Zacarias. Sa tagal ng panahong iyon, hindi niya maihayag ang kanyang damdamin, pagkatuwa ba dahil siya ay magkakaroon na ng anak o poot sapagkat pinarusahan pa siya ng Diyos?
Noong hinihingi na ang magiging pangalan ng kanyang anak, doon lamang siya nakapagsalita, upang matupad na rin ang sabi ng anghel na dapat Juan ang maipangalan sa bata. Sapagkakataong iyon, maaari na niyang ihayag ang kanyan nararamdaman. Sa kabila ng kaparusahan, nakita niya ang awa at pagmamahal ng Diyos sa isang taong walang tigil sa pananalangin. Sa tagal ng kanyang paghihintay, tinupad na rin ng Diyos ang kanyang hinihiling. Isipin natin, anong galak kaya ang naramdaman ni Zacarias?
Sa kabila ng lahat, dininig pa rin siya ng Diyos at kanya itong nasaksihan. Ang "Benedictus" o Awit ni Zacarias ay isang pagpupuri sa Diyos para sa pagtupad sa kanyang pangako. Ito ay isang pagbubunyi sapagkat pinatunayan ng Diyos na diringin at diringin rin niya tayo. Kinakailangan lang natin magtiwala sa kanya. Kaya ngayong huling araw ng Misa de Gallo, tularan natin si Zacarias. Dahil sa kanyang pagtitiwala, dirinig rin siya ng Diyos. Ang mga "wishes" natin ay dapat natin ipagpanalangin pa.
May awa ang Diyos! Diringin rin niya tayo! Ngunit ang ating pagbibigay puri sa Panginoon ay hindi dapat nakaugat sa ating mga kahilingan. Ang Diyos ay maawain at mahabagin. Siya ay laging ganun at hindi ito magbabago. Tayo rin ay umawit sa kanya. Atin ring ipagbunyi ang kanyang kaluwalhatian. Blessed be the Lord the God of Israel! Tinutupad ng Diyos ang kanyang mga pangako! Siya ay nakikinig!