Ang Awit ng Abang Napili
Disyembre 21, 2016
ni Mico Pacheco
ni Mico Pacheco
Dibuho nina Mac Norhen Bornales at Dominic Dimapawi
Upang ating lubos na maintindihan ang ating Ebanghelyo sa araw na ito, atin munang balikan ang pagbasa kahapon.
Nang malaman ni Maria na ang kanyang pinsang si Elisabet, siya ay umalis upang siya ay bisitahin. Ng nakita siya ni Elisabet, siya ay sumigaw sa galak at sinabi: "Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan. At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin?"
Marahil, hindi siguro naisip ni Elisabet na siya ay bibisitahin ng kanyang pinsan, lalo na't si Maria rin ay nagdadalang-tao. Sa pagkikitang iyon, si Elisabet ay napuspos ng Espiritu Santo at kanyang nakilala kung ano ang dinadala ni Maria. Marahil, naisip niya na: Aba! Ang Ina ng Diyos ay naparito! Ano ba naman ako para bisitahin ng ina ng Tagapagligtas ng sansinukob? Kinakailangan rin nating banggitin na sa pagkikitang iyon, ang Juan Bautista sa loob ng sinapupunan ni Elisabet ay tumalon rin sa tuwa sapagkat si Hesus naman, sa sinapupunan ni Maria, ay naparoon. Sa pakakataong iyon nawala ang salang orihinal kay Juan Bautista. Tunay na isang mahalagang pangyayari.
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria ay kanyang tugon sa pagbati ni Elisabet. Makikita natin na napakataas ng tingin ni Elisabet kay Maria noong panahong iyon, ngunit, sa kababaang loob ni Maria, kanyang inilahad ang tunay na pinagmulan ng grasya na kanyang natamo. Kanyang pinuri ang Diyos sa iginawad nito sa kanya, at hindi lamang ito basta bastang paglalahad. Ayon sa mga bihasa sa Banal na Kasulatan, si Maria, sapagkat siya ay lubhang nagalak sa pagkakapili sa kanya ng Panginoon, ay hindi napilitang umawit - at ang awit na ito ay naging isang himig na siyang tumatak sa kasaysayan ng mundo - na atin pa ring inaawit hanggang ngayon!
Mula noong binati siya ng Anghel Gabriel at sinabi sa kanya na siya ang magiging Ina ng Diyos, marahil wala pa sigurong napapagkwentuhan si Maria tungkol rito. Kumbaga, kanya pang tinatago ang kanyang nadarama sa mga biglaang pangyayari. Dito sa kantang ito ibinuhos ni Maria ang kanyang galak. Ipinakita niya na naging magiliw ang Panginoon sa kanyang napili.
Ayon nga sa coat of arms ni Papa Francisco: "Miserando atque eligendo" - ABA NGUNIT NAPILI. Si Maria ang iyong tipikal na katorse-anyos na babae noong panahong iyon na nakatakda ring ikasal sa isang lalaki - siya ay tahimik, mahinhin, at sumusunod rin sa kagustuhan ng kanyang magulang. NGUNIT SIYA ANG NAPILI upang magdala kay Hesus dito sa mundo. Hindi ba't nakakagalak iyon? Si Maria ay pinuno ng Diyos ng grasya at siya ay naging bukod tangi sa buong sangkatauhan. Kaya dahil rito, umawit si Maria at makikita sa awiting ito ang kanyang bukal sa pusong pagpupuri sa Diyos.
Si Maria ay ehemplo ng kababaang-loob. Imbis na iangat ang kanyang sarili sa kabila ng pagpuri ni Elisabet, kanyang niluwalhati ang Ama, ang tunay na pinagmulan ng lahat ng biyaya. Pinili niya na mas makilala ang Diyos kaysa sa kanya. Alam niya na kung wala ng Diyos, wala siya.
Sa ating pagbibigay parangal kay Maria, ganito rin ang kanyang ginagawa. Bawat "Aba Ginoong Maria" ay hindi lamang pagbibigay galang kay Maria, ito rin ay pagbibigay puri sa Ama. Mas inilalapit tayo ni Maria dahil sa bawal panalangin nating humihingi tayo ng kanyang tulong, aawitan niya ang Diyos ng kanyang awit ng pagpupuri.