Isang mapagpakumbabang piging
Agosto 28, 2016
Ni Jossel Manalo
Ni Jossel Manalo
Paskil ni Kenichi Tigas.
Larawan mula sa: https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Bloch-SermonOnTheMount.jpg

ANG PAGKAIN ay tanda ng ating buhay. Ito rin ay simbolo ng malupit na katotohanan para sa mga alipin. Ang pagkain ay mayroon ring banal na kahulugan dahit ito ay binabasbasan at dinadasalan ito ng Diyos araw-araw.
Sa Ebanghelyo ni Lucas, ang pagkain ay ang sentro ng misyon ni Hesus. Ang wika ng pagkain
ang nagsisilbing batayan sa mga turo ni Hesus. Tulad na lamang nang ginamit niya ang talinghaga ng salu-salo para ituro ang kahalagahan ng kababaang-loob.
Ayon sa kuwento, ang karangalan ay maaaring dumating sa mga taong ipinapahayag ang pampublikong kapakumbabaan. Ipinahayag ni Hesus na ang kanyang mga inaasahan sa ating kalooban ay katulad ng inaasahan ng isang punong-abala sa kanyang mga panauhin. Inaasahan ni Hesus na tayo ay makikisalo sa kanyang piging nang may kababaang-loob.
Ang kababaang-loob ang puno at pundasyon ng kabutihan dahil ito ang nagbibigay-daan sa atin upang makita at makapagdesisyon ng tama katulad ng paraan ng Diyos.
Ang tunay na kababaang-loob ay hindi pagkakaroon ng mababang pagtingin sa iyong sarili, o pag-iisip ng iyong sarili bilang mababa kaysa sa iba. Ang tunay na kababaang-loob ay nagpapalaya sa atin sa ligalig mula sa ating sarili. Ito ay katotohanan sa ating sariling pang-unawa at pagpapakatotoo sa ating mga aksyon.
Ang isang taong mapagpakumbaba ay hindi na kailangang magsuot ng maskara o ilagay sa harapan upang tumingin ng mabuti sa iba na hindi alam ang tunay niyang pagkatao. Siya ay hindi nagpapadala sa katanyagan, reputasyon, tagumpay, o kabiguan.
Si Apostol San Pablo ang nagsisilbing pinakadakilang halimbawa at modelo ng mapagpakumbabang tao, na “kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagging masunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus” (Phil. 2:7-8).
Ang talinhaga ni Hesus ay nagpapalakas sa turo ng kasabihang “Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao: sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata” (Prov. 25: 6-7).

Si Jossel Manalo ay ang Katuwang na Sekretarya ng Pax Romana AB.
Siya ay kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kursong Kasaysayan