Game ka na 'ba?
By Chesca Cuisia and John Paul Domingo
December 10, 2017
December 10, 2017
Ilang araw na lang, simabang gabi nanaman. Gigising nanaman tayo nang napakaaga para makinig kay Father at s’yempre magsimba.
Naaalala ko n’ung bata pa ako, inis na inis ako ‘pag ginigising ako ni Nanay at Tatay para pumunta sa Simbang Gabi. Madalas ‘di ako makausap nang maayos sa loob ng simbahan o ‘di kaya naman natutulog na lang din ako buong misa.
“Paulit-ulit lang naman ang sinasabi ni Father, saka ko na papakinggan ‘pag Pasko na. Tsaka madami din naming natutulog eh,” pangangatwiran ko pa noon. Pero habang tumatagal at natuto akong maging parte ng simbahan, para ba’ng naisip ko na hindi pala basta misa para sa madaling araw ang mga Simbang Gabi. Paghahanda pala ‘yon; paghahanda para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, sa pagdating ni Kristo.
Anim na araw na lang, dadating nanaman ang mga Simbang Gabi. Maghahanda nanaman tayo sa Pasko. Ngunit paano nga ba natin paghahandaan ang pagdating ng tinatawag nating Dakilang Manunubos? Sapat na ba ang paggising nang maaga at pagdalo sa misa?
Ikinukwento ng Mabuting Balita ni San Marcos ang paghahanda o ang paglalatag ng Diyos ng daan sa pagdating ng kan’yang Anak. Kumbaga, ito ang sariling bersyon ng Simbang Gabi na ginawa bago ipinanganak ni Maria si Kristo: mula sa mga propesiya ni Isaias na magpapadala ng isang mensahero ang Diyos bago ang kanyang Anak hanggang sa mga himala at ginawang propesiya ni San Juan Bautista. Maraming nangyari sa ating Mabuting Balita ngayong araw. Makikita ito sa mga salitang ginamit: ipinadala, ihinanda, ipinahayag.
Sinasabi ng mga kaganapang ito sa Mabuting Balita na kasabay ng mga pangyayaring ito ay ang paghahayag ng Salita ng Diyos sa kanyang sambayanan. Hindi lamang ikinuwento ito para maikwento lamang kung hindi para sabihin sa atin na nalalapit na muli ang pagdating ng Manunubos. Ito ang Mabuting Balita: Paparating na ulit si Kristo.
Mga kapatid kay Kristo, alalahanin natin ngayong mga panahon ng Adbiyento kung bakit tayo dapat makiisa sa paghahanda sa Kaniyang pagdating. Sa pagpasok natin sa ikalawang linggo ng Adbiyento, alalahanin natin at pagnilayan ang misyong ibinigay kay San Juan Bautista – ang paghahanda ng daan, at ng sambayanan para sa pagdating ni Kristo. Hindi lang ang ating mga sarili ang ating dapat ihanda kung hindi pati ang ating kapwa upang maging sila ay maramdaman na tunay na paparating na muli si Kristo.
Sa ating paghahanda, nawa’y ‘wag nating kalimutang ihanda an gating sarili, ngunit mas higit nating bigyan ng pansin ang mga higit na nangangailangan sapagkat sa pamamagitan nito ay hindi lang sarili natin ang naihahanda kung hindi pati an gating kapwa.
Muli, tanungin natin ang mga sarili, “Paano o anong paghahanda ba ang gagawin ko?”