Narito na ang Mesiyas!
Disyembre 15, 2016
ni Mico Pacheco
ni Mico Pacheco
Dibuho nina Mac Norhen Bornales at Dominic Dimapawi
Taon-taon na lamang, pagpatak ng ika-16 hanggang sa ika-25 ng Disyembre, ang mga simbahan sa buong bansa, marahil patina rin sa ibang bahagi ng mundo, ay punong puno, at nag-uumapaw sa mga taong nagsisimba. Taon-taon, pagdating ng Simbang Gabi at mga Mahal na Araw, ang mga simbahan ay nagiging "SRO" o "Standing Room Only" dahil sa dami ng mga dumadalo sa mga natatanging pagdiriwang.
Sa dami ng mga nagpunta sa simbahan kanina (kagabi) para sa Simbang Gabi at sa mga dadalo (dumalo) ng Misa de Gallo ngayong madaling-araw, sino-sino kaya doon ang mga tunay nagsisimba? Mga tunay nananalangin at nakikiisa sa Banal na Misa? Mas madami kaya ang mga lehitimong nagsisimbang gabi sa mga nagsisimbang tabi?
Oo, mainam na tayo ay nagtutungo sa simbahan kasama ang ating pamilya, mga kamag-anak, ating kasintahan, o mga kaibigan. Isa itong magandang paraan ng pakikipag-"bonding" sa kanila. Mainam rin na nakakasabay muli natin ang ating mga dating kaibigan sa pagsisimba. Tila, ang pagsisimbang gabi ay nagiging reunion ng mga dati nating nakakasama. Oo, mainam. Oo, mabuti. Oo, walang masama. NGUNIT, kung tayo lamang ay nagpupunta ng simbahan para lamang rito, dahil "trip" lang nating tumambay, "trip" lang natin kasi baka makahanap tayo ng "ka-sparks", ika nga ng UST Files, "trip" lang natin dahil nakaugalian na, dito tayo magkakatalo.
Sa Ebanghelyo sa umagang ito, makikita natin ang isang eksena habang kausap ni Jesus ang mga Hudyo. Kanyang binigyang liwanag ang naging papel ni Juan Bautista sa pagliligtas na magaganap. Tila sinabi ni Jesus: oo, naging mahalaga ang bahagi ni Juan Bautista sa paghahanda ng aking daraanan. Oo, naging maganda ang epekto ng pangangaral ni Juan Bautista sa inyong mga tagapakinig niya, ngunit, ako, ano nga ba ang papel ko? Hindi ba't ako ang tagapaglitas ng sanlibutan? Hindi ba't ako ang Mesiyas? Hindi ba't ako ang sinugo ng Ama? Hindi ba't sa akin matutupad ang pangako ng pagliligtas?
Si Juan Bautista ang naging tagapaghanda ng dadaanan ng Mesiyas. Alam ni Juan na si Jesus ay Diyos at na ang Kristong ito ang Mesiyas. Ika nga sa Ebanghelyo, "for him to increase and for me to decrease". Sa simula't simula pa lamang, alam na ni Juan ang kanyang kalalagyan at siya ay saksi sa pagiging Diyos ni Jesus.
Sa Ebanghelyo, inihayag ni Jesus na siya nga ang ipinangakong Mesiyas, na siya nga ang sinugo ng ama upang iligtas ang sangkatauhan. SIYA ANG KATUPARAN NG PANGAKO.
Ang pakikinig kay Juan Bautista ay mainam, ngunit si Juan Bautista mismo ang magsasabi na dapat mas makinig kay Jesus sapagkat si Jesus nga ang katuparan ng pangako ng Diyos.
Sa ating pagsisimba, ano ang ating pipiliin, ang mainam lamang, o ang PINAKA-MAINAM, na siyang si Jesus sa Banal na Eukaristiya na ating makakatagpo sa banal na pagdiriwang na ito.
Piliin natin ang pakikiisa sa Banal na Misa. Piliin natin si Jesus. Kayang maghintay ng ating mga kaibigan, kasintahan o kung ano pa man. Sa Banal na Misa, si Jesus dapat ang gawin nating sentro. Sabi nga sa unang pagbasa, "Ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin. Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin."
SIYANG TUNAY!
Piliin natin si Jesus! Unahin natin si Jesus! Narito na ang Mesiyas, narito na ang ating Tagapagligtas! Titingin pa ba tayo sa iba kung ang lahat ng ating hinahanap ay narito na?