Tao, Bagay, o Hayop?
Nobyembre 3, 2016
Ni Adrian Aquino
Ni Adrian Aquino
Paskil by Mac Norhen Bornales.
Paano ba natin masasabi na tao tayo? Ang tao ay iba sa mga nilalang na nabubuhay dito sa mundo sapagkat tayo lamang ang nilalang na may kakayahan na gumamit ng pakiramdam at isip.
Kung ikukumpara natin ang tao sa hayop, maari nating sabihin na may pakiramdam ang hayop, pero hindi nila alam ang pakiramdam nila dahil hindi nila ito iniisip.
Naiiba din ang tao sa bagay, dahil ang bagay ay walang buhay. Pwede nating sabihin na ang nagpapakatao sa tao ay ang pagkakaroon ng isip at damdamin. Pero, sa mga nangyayari ba sa ating lipunan ngayon ay masasabi parin ba nating makatao ang tao?
Marami ang nangyayari ngayon sa ating kapaligiran, pero parang nakakaligtaan lamang ito ng mga tao na hindi pinansin ang tunay na estado ng ating lipunan. Nawawalan na ng interes ang karamihan dahil nasanay na tayo na madalas itong nangyayari sa ating kapaligiran.
Sanay na tayong araw-araw na may nababalitang may pinatay, tulad ng nangyari sa isang estyudanteng pauwi galing sa eskwelahan na sinaksak ng labing walong beses para matangay lamang ang kanyang bag. Wala man lang tumulong sa estyudanteng naghihingalo na para sa kanyang buhay, duguan, at pinanuod lamang siya ng mga taong nakapaligid na humandusay sa gitna ng danan at tuluyang mawalan ng kinabukasan ang estudyanteng umuwi lamang.

Ito ba ang epekto sa atin ng nangyayari lagi sa kapaligiran? Nasanay na ba tayong may namamatay kaya pinabayaan nalang mamatay ang naghihingalo na para sa buhay?
Nagiging manhid na ang karamihan sa atin dahil araw-araw din naman itong nangyayari. Naging normal na lamang ito sa ating lipunan at ito ay kadalasan na pinapabayaan na lamang dahil nakasanayan na ito. |
Ito ang epekto ng mga “nakasanayan” sa ating lipunan. Nawawalan na ng interes ang tao na tumulong sa kapwang nahihirapan dahil manhid na ang mga tao sa ating bayan. Madalas ay maspinipili pa nating huwag pansinin o panoorin na lamang ang nangyayari dahil para sa atin mangyayari at mangyayari lamang ito muli.
Masasabi parin ba nating makatao ang mga nangyayari? Manhid na ang ating kaisipan at damdamin dahil paulit-ulit na lamang ang nangyayari. Nawala na ang pagiging “Tao” natin para sa kapwa, at mas masahol pa sa hayop ang

nangyayari sa ating kapaligiran dahil wala nang pakiramdam na makikita sa mga balitang araw-araw nating napapanuod o nababasa.
Kung masmasahol pa sa hayop ang nangyayari sa ating lipunan, parang bagay na lamang ang tingin natin sa isa’t isa - walang buhay o mawawalan din ng buhay. Para saan pa ang ating isip at damdamin kung ito ay hindi gagamitin. Ano pa ba tayo? Tao, Bagay, o Hayop? Mga larawang kuha ni Mac Norhen Bornales
|
"Manhid na ang ating kaisipan at Damdamin dahil |