Ang aral ng pag-asa mula sa buhay
ni San Agustin
Pagninilay sa buhay ni San Agustin de Hipona. Isinulat para sa araw ng kanyang kapistahan.
Agosto 28, 2016
Ni Mico Pacheco
Agosto 28, 2016
Ni Mico Pacheco
Dibuho ni Dominic Dimapawi
Larawan ni San Agustin mula sa: https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Antonio_Rodr%C3%ADguez_-_Saint_Augustine_-_Google_Art_Project.jpg

KAPAG SINABI natin na ang tao ay isang “santo”, marahil ating naiisip agad na ito ay isang taong nabuhay ng marangal at katanggap tanggap sa Diyos mula pa sa kaniyang pag-iral sa mundong ito. Kilala natin ang Amang Santo Domingo de Guzman na mula sa kaniyang pagkabata ay nagnais nang maglingkod sa Diyos, na sa panaginip pa lang ni Beata Juana de Aza ay may pahiwatig na ng kabanalang idudulot ng buhay ni Domingo. Kilala rin natin si San Francisco de Asis na maaga pa lamang sa kaniyang buhay ay tinalukuran ang marangya at mayamang buhay upang makiisa sa mga mahihirap at maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng kapayakan ng buhay.
Ngunit hindi lahat ng tinatawag na “banal” ay namuhay nang ganito mula pa sa kanilang kabataan. Ang iba ay dumanas muna ng ilang bagyo at alon sa kanilang buhay pananampalataya upang matagpuan ang Diyos, ang “gandang sinauna at sariwa” sa kanilang buhay.
Inaalala natin tuwing ika-28 ng Agosto si San Agustin de Hipona. Marahil isang sikat na santo ngunit ano nga ba ang pinagdaanan niya bago maging isang kilalang pantas ng Simbahan na nagdulot ng malaki sa teolohiya at pilosopiyang Kristiyano?
Isinilang sa Tagaste, sa Hilagang Africa, kilala si Agustin bilang isang taong intelektuwal. Sa kaniyang buhay, mapapansin ang kanyang uhaw para sa karunungan. Siya’y naging uliran sa tanong na “saan nanggagaling ang kasamaan?” Sapagkat hindi siya nakuntento sa mga sagot na ibinibigay ng pananampalatayang Kristiyano noong siya’t bata pa, naghanap siya ng kasagutan sa ibang mga paniniwala at pilosopiya. Kaya siya ay nag-aral at nagpunta sa iba’t ibang lugar upang palalimin ang kanyang kaalaman ngunit sa kanyang paghahangad na ito, siya ay nakasaksi ng makasalanang pamumuhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Sa kabila ng pagpapalaki sa kanya ng ina bilang isang Kristiyano, namuhay si Agustin noong panahong iyon ng isang buhay na makasalanan, puno ng luho, aliw, at pagkauliran sa sariling katanyagan. Ang kanyang inang si Monica, naging isa ring santo, ay ilang taong lumuha at nanalangin para sa pagbabagong buhay ni Agustin. Dahil dito at sa pangangaral ni San Ambrosio, obispo ng Milan, nakaranas si Agustin ng isang pangyayaring nagpabago sa kaniyang buhay.
Pagkatapos makarinig ng pangangaral ni Ambrosio, si Agustin, puno ng pagsisisi sa kanyang mga kasalanan, ay nagpunta sa hardin nang siya’y makarinig ng isang tinig na nagsasabi: “Tolle Lege.. tolle lege..” na ang ibig sabihin ay “kunin mo at basahin”. Inisip niya na marahil ito ay mensahe mula sa Diyos. Nakita niya ang mga Sulat ni San Pablo at binasa niya ito at dito nagsimula ang kanyang pagbabagong buhay.
Ano ang nangyari pagkatapos? Ito na tayo sa panahon ngayon na nag-aaral sa buhay ni San Agustin, na pagkatapos ng kanyang pagbabalik-loob ay naging isang pari at pagkatapos ng ilang panahon ay naging isang obispo. Ginamit ng Diyos ang kanyang karanasan at ang karunungang kanyang taglay upang magkaroon ng malaking ambag sa Simbahan.
Sabi nga ng mga pilosopo, “primum vivere, deinde philosophari” – kinakailangan munang mabuhay bago mamilosopiya. At ganito ang nangyari kay San Agustin, nakaranas muna ng mundo bago magsulat tungkol sa Diyos at sa mundong kanyang nilikha.
Sa Confesiones ni San Agustin matatagpuan natin ang kanyang mga sikat na kataga: “Kay tagal bago kita minahal, gandang sinauna at sariwa”. Itinuturo sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng buhay ni San Agustin na walang taong walang pag-asang magbago, walang makasalanan na walang pag-asang magbalik-loob.
Nawa, sa tulong ng mga panalangin ni San Agustin at ni Santa Monica, tayo nawa ay manatiling tapat sa Diyos. Sa kanilang pamamamagitan, tayo nawa ay maging mahabagin sa mga makasalanan at sa ating pamumuhay ay matulungan silang mahanap ang daan tungo sa pagbabalik-loob.

Si Mico Pacheco ay isang sakristan ng Pax Romana AB. Siya ay isang pinuno rin ng mga sakristan sa kanilang diosesis sa Caloocan. Siya ay kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong Pilosopiya.