Tunggalian
Agosto 14, 2016
Ni Camille Castromero
Ni Camille Castromero
Dibuho ni Mac Norhen Bornales
ANG MGA pagbasa ngayong Linggo ay ukol sa ating Pananampalataya. May mga palatandaan ng pananampalatayang hindi pa nagdiringas ng mabuti. Ang isa rito ay, “Hindi ka nakikipagtunggali sa kasalanan.”
Bilang isang Kristiyano at anak ng Diyos, nararapat lamang na tayo’y hindi sumang-ayon sa mga maling gawain na taliwas sa mga utos ng Diyos. Sinasabi nga sa ikalawang pagbasa mula sa Sulat sa mga Hebreo, “Mga Kapatid, yamang naliligid tayo ng makapal na saksi, iwaksi natin ang kasalanan. Hindi pa humahantong sa pagdanak ng inyong dugo ang pakikipagtunggali ninyo sa kasalanan.”
Kaya’t kung sa araw-araw na ating pamumuhay ay nabubuhay tayong hindi taliwas sa kasalanan, ang ating pananampalataya ay hindi pa nagdiringas ng mabuti.
Ayon naman sa Ebanghelyo, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “ Naparito Ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana’y napagningas na ito!” Ang apoy na ito ay sumisimbulo sa ating pananampalataya. Pananampalatayang inaasahan ng ating Panginoon na matindi, malalim, at hindi madaling mawala.
Ating pagnilayan: Gaano nga ba kalakas ang ating pananampalataya sa Kanya? Tulad ba ito ng isang titis ng posporo, na madaling sindihan ngunit madali ring mamatay? O tulad ng isang sulo na malakas ang apoy, matindi, at naglalagablab?
-Hango mula sa homilya ni Rdo. Padre Reynaldo Rivera ng Parokya ni San Ildefonso de Toledo, Guiguinto, Bulacan

Si Camille Castromero ay kasulukuyang pangulo ng Pax Romana AB at siya at ay nasa
ikaapat na taon ngayon sa kursong Behavioral Sciences.