Ang Mamatay Nang Dahil Sa'yo
Agosto 29, 2016
Ni Miguel Antonio Jimenez
Ni Miguel Antonio Jimenez
Dibuho ni Mac Norhen Bornales
SA KASALUKUYAN, mas napapansin ng mga Pilipino ang malaking kaibahan sa pagitan ng Simbahan at Estado marahil dahil sa mga napapanahong isyu kung saan nagkakatunggali ang kanilang pagtingin pagdating sa usapin ng moralidad. Ngunit kung susuriin ay makikita rin ang pagkakapareho ng dalawa sa ilan sa kanilang mga gawain lalo na sa pagkilala at pagpaparangal sa mga natatanging tao.
Tuwing huling Lunes ng buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Bayani kung saan binibigyan ng pagpupugay hindi lamang ang mga taong nakaukit na ang pangalan sa kasaysayan kundi lahat ng mga tao, kilala man o hindi, na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Ang lumang konsepto ng bayani ay nakakahon lamang sa mga taong lumaban para sa kalayaan ng ating bansa o sa panahon ng rebolusyon ngunit sa paglipas ng panahon ay nabigyan ng bagong kahulugan ang salitang ito na binibigyang pagkilala na rin ang mga bayani ng modernong panahon o mas kilala sa tawag na mga "bagong bayani."
Ang simbahan naman ay may mga santo at santa na nagsisilbing mga bayani ng ating pananampalataya. Ang buhay nila ay itinuturo sa atin upang magsilbing inspirasyon sa buhay sapagkat tao rin sila na nabuhay tulad natin. Naranasan nila matukso, mahirapan, masaktan, bumagsak, at magkasala tulad ng bawat isa sa atin ngunit sa kabila ng mga iyon ay nagtagumpay pa rin sa kanilang hangarin na magbagong buhay at magbalik-loob sa Diyos.
Magkaiba ang tawag pero iisa ang layunin, ang bigyang parangal ang sakripisyo na ginawa nila bilang isang mabuting tagasunod o isang mamamayan. Ang konsepto ng pagsasakripisyo ay nakakabit sa salitang kawalan. Ito marahil ang dahilan kung bakit marami sa atin ang nahihirapan magsakripisyo sa takot na mawalan ng mga bagay na ating kailangan o malugi sa isang sitwasyon lalo na sa kasalukuyan kung saan namumuhay tayo sa mundong sarili na lamang ang pinapahalagahan.
Hindi maitatangging mahirap at masakit ang magsakripisyo lalo na sa tao o sa bagay na hindi mo minamahal kaya kaakibat ng hamon ng pagsasakripisyo ay ang hamon din ng pagmamahal sa iba. Marahil tama rin ang sinasabi ng nakararami na ang pagsasakripisyo ang pinakamataas na uri ng pagmamahal sapagkat nangangailangan ito ng kabuuan ng iyong loob upang magbigay sa iba kahit na ang kapalit nito’y ang iyong sariling kawalan. Sa gawaing ito, nawawala ang konsepto ng “ako” na nangangahulugan ng pag-iisa at ito’y napapalitan ng isang pangkalahatang salita na “tayo” na nagpapakita ng pagiging isa o pagkakaisa ng nakakararami.
Ang mga bayani at mga santo at santa ay hindi tulad ng Diyos na perpekto. Nagkasala din at nagkamali din sila sa kanilang kanya-kanyang buhay. Matagal na silang namatay ngunit bakit hanggang ngayon ay pinaguusapan at pinararangalan pa rin natin sila? Nabubuhay sila sa ating kasaysayan at alaala dahil sa kanilang mga mabubuting gawa. Tayo’y bayani sa ating kanya-kanyang paraan. Wala man makaalala ng iyong ngalan o kaya’y hindi ito maiukit sa kasaysayan ay gumawa ka pa rin ng tama dahil ito ang nararapat.
Gumawa ng mabuti na walang hinihintay na kapalit at hayaan na ang Diyos ang siyang magbigay sa iyo ng karangalan at pabuya na hindi kalianman matutumbasan ng kahit anong yaman na kayang ibigay ng mundo.

Si Miguel Antonio Jimenez ay nagtapos ng kursong Kasaysayan nitong Hunyo lamang.
Siya ay nagsilbi sa UST Pax Romana AB bilang Pangalawang Pangulo sa Kateketikal mula 2014-2015
at naging ingat-yaman mula 2015-2016.